Wednesday, September 18, 2013

Anyong Lupa


Ang Bohol ay isang pulong lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Gitnang Visayas. Lungsod ng Tagbilaran ang kapital nito at nasa kanluran nito ang pulo ng Cebu, nasa hilagang-silangan naman ang Leyte at nasa timog, sa ibayo ng Dagat Bohol, ang Mindanao.
Tanyag ang lalawigan bilang destinasyong panturismo dahil sa mga magagandang dalampasigan at resorts.[1] Ang Chocolate Hills, ay ang pinakadinarayong atraksyon sa lalawigan. Ang Pulo ng Panglao, na matatagpuan sa timog kanluran ng Lungsod ng Tagbilaran, ay tanyag na lugar pansisid at palaging nakatala bilang isa sa sampung pinakamagandang sisiran "diving location" sa buong daigdig. Ang tarsier, ang sinasabing pinakamaliit na unggoy sa buong daigdig, ay matatagpuan sa pulo.
Ito ang lalawigan ng ika-8 pangulo ng Pilipinas, si Carlos P. Garcia, na naging pangulo ng Pilipinas noong (1957–1961), ay isinilang sa Talibon, Bohol.[2]